Zonrox with Glutathione, Mineral Water with L-carnitine Atbp.

1 Dec

 Alexander San Pedro

Manghang-mangha ako sa bagong patalastas ni Vic Sotto ng sabong Tide na iniere ngayon sa telebisyon at radyo. Hindi na basta basta ang Tide detergent ngayon dahil sa bawat pakete nito ay may kaakibat na galing ng Safeguard sa pagtanggal ng masamang amoy at sa pagpatay ng mga mikrobyo na kumakapit sa damit. Akalain mo bang pwede palang paghaluin ang sabong panlaba at sabong panligo sa iisang produkto. Tanong lamang, pwede ko kayang gamitin ang New Tide with power of Safeguard sa aking paliligo?

Samut-saring pakulo na ang nagamit ng mga produktong pang komersiyo para lamang maakit ang mga tao na bumili nito. Kung minsan, hindi ko na mawari ang ilan na ipinagtataka ko kung bakit kinakagat pa rin ng mga mamimili. Maaring dahil likas talaga sa atin ang pagkamausisa o tanga lang talaga ang karamihan sa atin na madaling nauuto ng mga patalastas. Idagdag pa na kung si Kim Chiu ang nagsasabing epektibo ang pag-inom niya ng Enervon Multivitamins kahit di naman halata sa kanyang patpatin at malamyang pangangatawan. Hindi ba?

Nang matuklasan ang kakayahan ng papaya sa pagpaputi ng kutis, hindi ko na mabilang ang iba’t ibang produktong bumulaga na sinahugan ng papaya kuno. Nariyan ang mga sabong pampaputi, mga facial cleansers, moisturizers, lotion, at iba pa na hindi naman umubra sa ate ko na habang buhay na yatang gumagamit ng mag produktong ito.

Hindi naglaon naitsapuwera ang papaya sa paglabas ng glutathione sa pamilihan. Madaling naakit ang mga tao dahil di hamak na mas mabilis ang pagputi ng gumagamit ng produkto na may glutathione. Linggo lang daw ang bibilangin para maatim ang mala-Michael Jackson na kaputian. Nakakatakot naman pala kung ganoon dahil baka magmumukhang multo na ako kung isang taon ako gagamit. Sa kutis lang ba epektibo ang glutathione? Pwede rin cguro sa labahin. Malamang pipila ang mga gloria sa tindahan ni Aling Nena para bumili ng Zonrox kung glutathione ang gagamitin nitong panghikayat. Zonrox Bleach with Glutathione. Ang lupit.

 Kung glutathione ang bida sa pagpapaputi, L-carnitine naman ang sa pagpapayat. Fit ‘N Right ng Del Monte yata ang unang nagkaroon nito kung hindi ako nagkakamali. Ngayon, hindi na mabilang ang mga inuming pampapayat na may L-carnitine. Nagpapakita lamang ito na gusto ng lahat maging kasing sexy ni Marian at kasing kisig ni Gerald dahil kahit saang sulok na lang, may mga inuming ganito ang maaaring mabibili. Kulang na lang yata lagyan na nila ng L-carnitine ang mineral water at kape e. O baka mayroon na nga.

 Kung padamihan lang naman ng gimik sa pag aanunsiyo, hindi pahuhuli ang mga shampoo na halos lahat na yata ng samut-saring extracts nagamit na. Merong Coconut, Papaya, Calamansi, Green Apple, Aloe Vera, Avocado, Watermelon, Chamomile at marami pang iba. Gawin bang fruit salad bowl ang buhok?  

At kung sa pagka-customer friendly naman ang basehan, walang lalamang sa paborito kong Coca-Cola na tingian kung tingian ang drama. Kung pangtanggal-uhaw lang ang kailangan, may Coke Sakto na may lamang mahigit-kumulang sa 200 ml. Merong 8 oz (230+ ml) din na maaring panulak sa merienda at kung ika’y kahalintulad ng katropa kung may katabaan na kulang pa ang Coke 12 oz (350+ml), 500 ml ang tirahin mo. Siyempre pampamilya naman ang Coke litro at kung talagang likas ang pagkaganid sa lahi ninyo e mayroon din naming 1.5 at 2 Liters na maaring mabibili. Saan ka pa? Asahan mo, bukas makalawa ay bubulagtain tayo ng Coke Barangay Size.

Manood ka ng radyo, magbasa ng telebisyon, o makinig sa dyaryo, sigurado akong mapapangiti ka sa mga patalastas na halos lahat na yata ng kunsepto sa panghikayat ay nagamit na mabili lamang ang produktong ini-endorso.

Natapos ang aking paliligo gamit ang bagong Tide with power of Safeguard. Oo ginamit ko, pakialam niyo. Pwede rin naman pala. Hindi rin naman akong nagmukhang sinampay na bagong labang hapslip ni lola. Mabuti na lang pwede nang tiyagaan para hindi na ako maghihintay sa bagong Safeguard with power of Tide.

15 Responses to “Zonrox with Glutathione, Mineral Water with L-carnitine Atbp.”

  1. Anonymous December 1, 2009 at 4:53 pm #

    ahaha..nice one alex..super funny

    • alexander b san pedro (the librarian) December 1, 2009 at 5:26 pm #

      Pau ikaw ba yan?

  2. riz December 2, 2009 at 12:34 am #

    hehe… lex, para kang bata…(so keen on little things) pati idea behind commercials napapansin. well, there’s nothing with that naman. that only show how creative your mind gets.

    • alexander san pedro December 2, 2009 at 1:07 pm #

      Riz? hehe.. .. creative ba ako? hmm.. Thanks for dropping by.. Try mo take a bath with Tide. Hahaha

  3. riz December 2, 2009 at 11:19 pm #

    hehe… i won’t try that. kahit d aq maputi, i would not dare do so.

    • alexander san pedro December 2, 2009 at 11:43 pm #

      Hahaha.. d ka nacucurious?

  4. riz December 3, 2009 at 2:26 am #

    hindi.. i know naman na it would be craziness to try that.. hahaha

    • alexander san pedro December 4, 2009 at 4:31 pm #

      Caressa Mae Lazaro, Ok lang na.
      hindi lang pagpanugid nga naligo ka gamit ang Tide.lol

  5. Anonymous December 4, 2009 at 8:46 am #

    Antabayanan natin ang komersyo at anunsyo para diyan…hehe!

    • alexander san pedro December 4, 2009 at 4:21 pm #

      actually meron na..

  6. riz December 6, 2009 at 12:46 am #

    buengz ka guid alexander b sanpedro…. do you have to mention my name? ikaw da try products mo a. hehehehe

  7. lasher1983 December 22, 2009 at 6:06 pm #

    somewhere may nakita ko na coffee with l carnitine… ill look for it bala and let you know once i find it.

    but nice artik. easy read. enjoyed.

    • alexander san pedro December 23, 2009 at 12:04 am #

      Really? hmmm.. cge pakita mo gd dapat..

      thanks gd

  8. Eliza January 20, 2010 at 8:32 am #

    woah..lex!! this is the awesomest stuff i’ve red..i was crankin up in my chair..u just totally booted off my sleepiness..hahahha..lolzz…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: