Mga Pinakapinarangalang Aktres ng Dekada

12 Feb

Kahalintulad ng mga talang kumikislap sa kalangitan, halos hindi rin  mabilang ang mga bituin na nag aalay ng ningning sa telebisyon at pinilakang tabing. Taon taon humigit isang dosenang butuin ang nadaragdag sa listahan hanggang ang isang buong dekada ay tila hindi na dumidilim.

Daan daan man ang mga nagniningning na bituin sa Pilipinas, mabibilang lamang sa daliri ang mga aktress na may kakaiba at nakatindig balahibong  galing. Galing na hindi dapat palampasin ng mga kritiko at mga samahang taga gawad ng parangal sa pag arte local man o buong mundo ang sakop.

Sa kasalukuyang dekada, masasabing hindi masyadong maningning ang pelikulang Pilipino na dahil na rin baka sa suliranin sa pirata at sa walang humpay na pagpapalabas ng  mga banyagang pelikula. Kung ihambing sa mga naunang dekada, nangangalahati na lang ang naipapalabas na pelikulang lokal sa mga sinehan at ang karamihan pa nito ay ang mga indie films. Kaya ang ang mga butuin sa telebisyon na lang umaarte madalas. Subalit hindi naging hadlang ito sa ating mga magagaling na bituin na patuloy nag aalay ng kamangha-manghang kislap at talento.

Vilma Santos

Tama lamang na Star for all Seasons ang tawag kay Vilma Santos dahil mahigit apat na dekada na ang kanyang pamamayagpag simula noong dekada 70. Masasabing napag iwanan na ng Gobernadora ang dating kasabayan nitong si Nora Aunor na halos limang taon nang walang proyekto.

Humigit kumulang 15 tropeo bilang pinakamagaling na aktress ang natanggap ni Ate Vi sa dekadang ito para sa mga pelikulang Anak (2000), Dekada 70 (2002), Mano Po3 (2004) at In My life (2009).  Hindi lang yan, natanggap niya ang kanyang ikaapat ng grandslam best actress noong 2004 para sa pelikulang Dekada 70 na hango sa nobela ni Luhalhati Bautista. Nagpapakita lamang ito na hanggang gumagawa ng pelikula ang ina ni Luis Manzano, hindi titigil ang pag-ani niya ng parangal.

Cherry Pie Picache

Maituturing na isa sa pinaka underrated na mga artista si Cherry Pie. Kung galing lang sa parte ang pag-uusapan, walang duda kung si Isadora ang isasalang mo sa harap ng kamera. Mapadrama o comedy, bida o supporta lamang, mainstream o indie  bibigyan ka ni Marlene pagganap na hindi mo malilimutan.

Ang natural na pag arte ni Cherry Pie ay hindi lang naghakot ng parangal dito sa bansa kundi pati na rin kung saan saang sulok ng mundo. Tatlong international Best Actress ang natanggap niya mula sa Cinefan at Durban International Film Festival para sa mga pelikulang Foster Child at Kaleldo ni Brillante Mendoza.

Kaliwa’t kanan din ang mga parangal niya dito sa Pinas para sa nakakantig at natural niyang pagganap sa Foster Child noong 2007 at sa nakakatuwa niyang pagganap sa sexy-comedy na Bridal Shower ni Jeffrey Jeturian. Ilang best supporting actress na tropeo din ang naiuwi ni Pie para sa mga pelikulang Twilight Dancers (2007) at Ako Legal Wife (2006).

Maricel Soriano

Kahambing ng isang diamante, ang nag-iisang Diamond Star ay walang tigil sa pagkinang sa kanyang bawat pagganap sa pelikula. Halos apat na dekada na rin siya sa industriya at walang tigil ang pagtanggap niya ng parangal sa mga madamdamin at makatotohanang pag arte sa pelikula man o telebisyon.

Labindalawang Best Actress trophies sa pelikula at isa sa telebisyon (Vietnam Rose, 2005) ang nahakot ni Maria sa dekadang ito. Kung pag aaralan ng maigi halos lahat na ng genre ng pelikula ay napanalunan na ni Maricel. Mapa drama, comedy, horror pati dramedy, mapapatungangaga ka sa galing ni niya.

Ang mga pelikula ni Maricel na umani ng parangal ay Filipinas (2003) I will Survive (2004), Inang Yaya (2006) , Numbalikdiwa (2006), Bahay Kubo (2007) at A Lovestory (2008).

Judy Ann Santos

Pinaka bata man sa listahan, hindi pahuhuli ang tinaguriang Young Superstar. Bata pa lamang ay nakitaan na ng galing sa pag arte at sa kanyang mga kasabayan, siya lang ang nanatiling walang tigil ang pagningning sa telebisyon man o pelikula.

12 Best Actress Awards, 1 Best Supporting Actress at isang Best Actress for TV (Krystala, 2006) lang naman ang nahakot ni Juday sa dekadang ito. Halos lahat na ng award-giving bodies sa bansa ay napahanga ni Juday maliban sa Young Critic Circle Film Desk (YCC).

Ang mga pelikulang nagpataob sa mga kalaban ni Mrs. Ryan Agoncillo ay: Mano Po 2 (2004), Sabel (2005), Kasal Kasali Kasalo (2006), Ouija (2007) at Ploning (2008).

Gina Pareño

Kung si Ate Vi ang Star for All Seasons, para sa akin si Gina Pareño naman ang Actress for All Seasons. Habang tumatagal, tila mas lalong gumagaling at tumitinkad ang kislap ni Gina. Sa galing, nahigitan pa niya ang naitala ng Superstar na si Nora Aunor sa pinakamaraming International Best Actress awards. Apat na tropeo mula sa Amiens, Brussels, Asian at Cinefan Film Festivals ang naiuwi ng magaling na aktess para kanyang napakahusay na pagganap sa pelikulang Kubrador (2006) at Serbis (2009). Hindi lang yan, nasungkit din niya ang Best Actress in a single performance mula sa Asian TV Awards noong 2007 para sa episode na “Rehas” ng MMK (ABS-CBN)

Hindi pwedeng hindi rin mapuna ng mga lokal na kritiko ang galing ni Gina. Inulan din ito ng parangal para sa mga nabanggit na pelikula kasama na rin dito ang kanyang nakakatuwang pagganap bilang ina ni Judy Ann Santos sa Kasal Kasali Kasalo. Napahanga din hindi lang ang madla kung hindi pati na rin ang PMPC  sa kanyang pagganap bilang si Lola Gets sa teleseryeng Tayong Dalawa ng ABS-CBN noong 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: